Ang Gabay Lyrics

ANG GABAY Tumatagos sa diwa ang iyong pagsikat Nagsisilbing gabay ang iyong liwanag Sa balat ng lupa ang ningning mong sinag Katumbas ay ginto sa aming mahlhlrap. Kung sa aming buhay ay di ka dumating Di namin malilikha mga gintong awitin Binulag man kami ng mga ganid at sakim Ang mga sinag mo ang tunay na nagpaluningning. Tulad mo ay butil na hinasik sa bukid Tumubo’t namulaklak sa aming anakpawis Ang lambong ng gabi’y iyong pinapalis Na nagpapalaya sa isipang napiit. Pag-asa kang tunay sa pagbubukang-liwayway Na sa amin ay gintong sumilay Anong tamis pala ang sa lupa mamuhay Kung sa pagpapakasakit ay may tagumpay. Pag-asa kang tunay Partido Komuilsta Na sa amin ay magpapalaya Anong tamis pala ang mamuhay sa lupa Kung sa pagpapakasakit, tayo’y lalaya.
Back to Top